RITM may 3,000 testing capacity na kada araw vs. COVID-19

0
10

Patuloy na dumarami ang pagsusuri na kayang gawin ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kada araw.

Ayon kay Secretary Carlito Galvez na siyang COVID-19 National Policy Chief Implementer, kaya nang magsuri ng RITM ng hanggang sa 3,000.

Aniya, ito rin ay papalapit na ng papalapit sa target ng gobyerno na makapagsuri ng hanggang 8,000 kada araw.

Makakaasa rin aniya ang publiko na madaragdagan pa ang bibilhin ng gobyerno na rapid testing kits.

Sa katunayan, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng karagdagang 900 PCR testing kits at 2-milyong rapid testing kits.

Samantala, muli namang nananawagan ang kalihim sa publiko na sumunod sa national policy sa enhanced community quarantine (ECQ) upang maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19.