PGH tiniyak na ligtas ang plasma therapy vs. COVID-19

0
23

Siniguro ng Philippine General Hospital (PGH) na ligtas at hindi magdudulot ng re-infection sa mga pasyente ang ginagawa nitong convalescent plasma therapy na isang experimental treatment para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Paliwanag ni Dr. Jonas Del Rosario, tagapagsalita ng PGH, tinitiyak aniya nila na tanging mga fully-recovered na pasyente lamang ang papayagang magdonate ng kanilang dugo o plasma.

Kasunod nito, naunang nagdonate si Senador Sonny Angara ng kanyang dugo, ilang linggo matapos na gumaling sa COVID-19.

Samantala, maliban dito, nakapagtala rin ang Philippine Red Cross ng pitong nag-donate ng kanilang mga dugo matapos na mapagtagumpayan ang laban kontra virus.