14-day self-quarantine ni Gamboa natapos na

0
24

Natapos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa ang kanyang 14-day self-quarantine sa Kampo Krame.

Ito ay batay narin sa abiso ng kanyang doktor dahil sa posibleng kontak nito sa mga positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Samantala, matatandaan namang una nang inanunsyo ni PNP spokesperson P/Brig. Gen. Bernard Banac na negatibo sa COVID-19 si Gamboa base na rin sa resulta ng test nito noong ika-1 ng Abril.