29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Rider, Patay Matapos Bumangga Sa Poste Sa Zamboanga Del Sur

- Advertisement -

Pagadian City –  Patay ang isang rider matapos ma aksidente ang minamaniho nitong motorsiklo sa Barangay Camanga, Tukuran Zamboanga del Sur last March 31 2021.

Kinilala ang biktima na si Jerric Sapitanan Mingo, 37 anyos at residente sa nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Tukuran PNP, galing ang biktima sa tukuran public market at pauwi na sana sa kanilang bahay subalit pagdating sa lugar ng pinangyarihan ay nawalan ito ng balanse at control sa pagmamaniho dala ng malakas na ulan dahilan ng pagkakabangga nito sa isang poste na gawa sa bakal.

Nagtamo ng sugat ang biktima sa ulo at dinala sa bahay pagamutan ngunit kinalaunan ay idiniklara itong patay ng sumuring doktor.

Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng kanyang pamilya ang labi ng biktima.

(Source: Tukuran Municipal Police Station, photo courtesy by Jessel Pameron)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -