Retired Maj. Palparan babasahan na ng kaso ng Malolos City RTC

0
52

Inaasahang haharap sa Malolos City Regional Trial Court bukas, Setyembre 10 sina Retired Army Maj. Jovito Palparan at iba pa.

Ito’y para sa nakatakdang pagbasa ng sakdal ng nasabing korte kay Palparan na kinasuhan ng kidnapping dahil sa pagkawala ng dalawang mag-aaral ng University of the Philippines na sina Shirley Cadapan at Karen Empeño.

Maliban kay Palparan, pinahaharap din ng korte sina Lt/Col. Felipe Anotado at Staff Sgt. Egardo Osorio sa bisa ng ipinadalang notice ng Malolos RTC sa army.

Kasalukuyang nakapiit sina Palparan at iba pa sa Army Custodial Center sa Fort Bonifacio sa Taguig City kung saan siya inilipat mula sa Bulacan Provincial Jail.