Pinakamalakas na bagyong tatama sa bansa binabantayan na ng PAG-ASA

0
41

Mahigpit na binabantayan ngayon ng PAG-ASA ang malakas na bagyong papalapit sa bansa at posibleng pumasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility sa Miyerkules o Huwebes ng linggong ito.

Batay sa pinakahuling datos mula sa Weather Bureau, huling namataan ang naturang bagyo sa layong 3,000 kilometro sa silangan ng Hilagang Luzon at nagbabadyang lumakas pa bilang super typhoon.

Ayon pa sa PAG-ASA, posibleng maging kasing lakas ng nagdaang bagyong may international name na “Jebi o Maymay” dito sa Pilipinas ang naturang bagyo na may international name namang “Mangkhut”.

Inaasahang ito na ang pinakamalakas na bagyong papasok sa teritoryo ng Pilipinas na tiyak magdadala ng malalakas na pag-ulan lalo na sa dulong Hilagang Luzon.

Magugunitang 11 ang nasawi habang marami rin ang sugatan sa pananalasa ng Bagyong Jebi matapos tumama ito sa bansang Japan kamakailan.