30 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Publiko walang dapat ikabahala sa inilabas na Memo 32 ng Malakaniyang

- Advertisement -

Kinalma ng DND o Department of National Defense ang publiko hinggil sa inilabas na memorandum order number 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapalawak sa saklaw ng State of Lawlessness sa Apat na lugar na malakas umano ang presensya ng CPP-NPA at NDF.

Ayon mismo iyan kay Defense Secretary Delfin Lorenzana makaraang itanggi rin nito na prelude o panimula lamang ito para sa umano’y nationwide martial law ang inilabas na kautusan ng pangulo.

Binigyang diin ni Lorenzana, limitado lamang ang sakop ng nasabing memorandum order at naniniwala siyang mananatili lamang ito sa mga lugar kung saan malakas ang presensya ng mga lawless elements tulad ng CPP-NPA at NDF.

Inihayag din ng defense chief na maliban sa paglaganap ng krimen sa mga lugar ng Samar, Negros Occidental, Negros Oriental at Bicol Region gayundin ng karahasan, malaking bagay aniya ito para masupil ang ginagawang pagkontrol ng mga rebelde sa resulta ng halalan doon.

Sa huli, sinabi ni Lorenzana na walang dapat ikabahala ang publiko sa inilabas na kautusan ng Palasyo sa halip, dapat na ituring itong karagdagang seguridad upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa mga nabanggit na lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -