Radio Philippines Network
Headlines National News

Resulta ng pag-aaral sa pagkansela sa VFA isusumite sa Lunes—DOJ

Nakatakdang isumite ng Department of Justice sa Lunes ang resulta ng kanilang pag-aaral hinggil sa proseso ng pagpapatigil sa Visiting Forces of Agreement (VFA).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kanya nang natapos ang pag-aaral sa proseso para sa termination ng VFA pero kinakailangan pa aniyang isumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang memo hinggil dito.

Bagama’t tumanggi nang magbigay pa ng detalye, sinabi naman ni Menardo na masasagot sa kanyang naging pag-aaral ang mga tanong kung isa nga bang tratado o executive agreement ang VFA.

Gayundin, kung kakailanganin pa ang tulong ng Senado para sa termination ng VFA at kung sino ang magbibigay ng notice of termination.

Samantala, tumanggi nang sagutin ni Guevarra kung magkakaroon ng epekto sa iba pang kasunduan ng militar sa Amerika, tulad ng mutual defense treaty ang pagbasura sa VFA.

Aniya, kinakailanganin pa ng hiwalay na pag-aaral ng Department of National Defense at Department of Affairs para malaman ang mga ito.

Related posts

Pangulong Duterte pabor sa ligalisasyon ng medical marijuana — Palasyo

Powered by DWIZ

Pagdeklara sa Pag-asa Island bilang marine-protected area pinagiisipan

Powered by DWIZ

DFA kumikilos na para sa partial lifting ng travel ban sa HK, Macau

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More