18 katao patay sa 6.8 magnitude na lindol sa Turkey

18 katao patay sa 6.8 magnitude na lindol sa Turkey

by Powered by DWIZ
52 views

Hindi bababa sa 18 katao ang nasawi sa pagtama ng magnitude 6.8 na lindol sa Elazig, Turkey.

Habang tinatayang nasa 30 iba pa ang na-trap sa mga bumagsak na istraktura at mahigit 500 ang nasugatan.

Ayon kay Turkey Health Minister Fahrettin Koca, dalawa sa nasawi ang inatake sa puso sa kasagsagan ng lindol.

Naitala ang epicenter ng lindol sa bayan ng Sivrice sa probinsiya ng Elazig at may lalim na 6.7 kilometers.

Sinundan pa ito ng mga malalakas na aftershocks na sumusukat ng magnitude 5.4 at 5.1.

0 comment

Related Posts