Pagtaas ng bilang ng mga ‘out of school youth’ ikinaalarma ng UN

Pagtaas ng bilang ng mga ‘out of school youth’ ikinaalarma ng UN

by Powered by DWIZ
43 views

Ikinaalarma ng United Nations (UN) ang pagtaas sa bilang ng mga out of school youth o mga kabataang hindi nakakapag-aral sa buong mundo.

Ayon kay UN Deputy Secretary General Amina Mohammed, nasa 258M kabataang may edad 16 pababa ang hindi nakapag-aaral.

Habang batay rin sa datos ng UN, tanging 49% lamang ng mga kabataan ang nakakapagtapos sa secondary education o highschool.

Dagdag pa ni Mohammed, nasa 770M mga adults din sa buong mundo ang illiterate o hindi marunong magbasa at magsulat.

Sinabi ni Mohammed, hindi lamang aniya nakakaalarma ang milyon-milyong bilang ng mga hindi nakakapag-aral kundi maging ang mga kabataan at mga nakatatandang na nawalan din ng pagkakataong matuto o mag-aral.

 

0 comment

Related Posts