Hanggang ngayong araw na lamang, Setyembre 30, maaaring makapagparehistro ang mga negosyante na nagbebenta ng kanilang mga produkto online.
Nagbabala naman ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa sinomang hindi susunod sa Revenue Memorandun Circular Number 92-2020 na inisyu ni Revenue Commissioner Caesar Dulay na papatawan ang mga ito ng mga karampatang parusa.
Bukod naman sa pagpaparehistro, obligado rin ang mga negosyente na ideklara ang kanilang tamang kita.
Dahil ayon sa BIR, hindi na sisingilin ng buwis ang mga nagnenegosyo na kumikita ng mas mababa sa P200 at P50,000 kada taon alinsunod na rin sa Train Law.