Radio Philippines Network
Sports & Entertainment

Bakbakang Jerwin Ancajas vs. Jonathan Rodriguez sa Nobyembre na

Itinakda na sa ika-2 ng Nobyembre ang laban ni IBF Junior Bantamweight Champ Jerwin Ancajas laban sa Meksikanong si Jonathan Rodriguez.

Gaganapin naman ang ka-abang-abang na bakbakan ng dalawa sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

Samantala, ito na ang ika-8 pagkakataon na idedepensa ni Ancajas ang kanyang hawak na titulo kung saan ang kaniyang magiging laban ngayon ay co-feature sa laban nina Miguel Berchelt kontra kay Oscar Valdez.

Magugunita naman na ika-4 si Ancajas sa listahan ng The Ring Magazine na pinakamagaling na Junior Bantamweight Boxer sa buong mundo.

Related posts

NBA: Michael Beasley suspendido ng limang laro

Powered by DWIZ

Legendary Scotland football player, positibo sa COVID-19

Powered by DWIZ

Judy Ann Santos hindi iiwanan ang ABS-CBN

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More