Sunday, May 12, 2024

Red Cross may paalala sa publiko kaugnay sa ash fall

- Advertisement -

Pinag-iingat ng Philippine Red Cross (PRC) ang publiko kaugnay sa patuloy na pag-ulan ng abo dahil sa pagaalburuto ng Taal volcano.

Sa ipinadalang mensahe sa DWIZ ni PRC chairman Dick Gordon, sinabi nito na malala ang sitwasyon partikular sa mga lugar na malapit sa bulkang Taal.

Ayon kay Gordon, bukod sa paglalagay ng mask, dapat din ay tinitingnan ng publiko ang kanilang mga bubungan dahil maaari aniyang bumigay ang mga ito lalo na kung hindi konkreto dahil sa posibleng pagkapal ng abong bumabagsak dito.

Dagdagan pa umano ito ng maya’t mayang pagyanig na nararanasan sa mga karatig lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -