35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

‘Recto Bank incident’ hindi minamaliit ng gobyerno – Nograles

- Advertisement -

Hindi minamaliit ng gobyerno ang nangyari sa Recto Bank na kinasasangkutan ng Pinoy fishing boat at Chinese vessel.

Nilinaw ito ni Cabinet secretary Karlo Nograles matapos umalma ang kapitan ng fishing vessel ng mga Pilipino sa naging reaksyon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa insidente.

Binigyang diin ni Nograles na ang konteksto ng nasabing pahayag ng pangulo ay hindi kaagad agad masasabi na ang insidente ay state sanctioned ng China.

Hindi aniya ito insidente ng gobyerno ng Pilipinas laban sa gobyerno ng China at nagkataon lamang na ang sangkot sa insidente ay isang fishing boat ng Pilipinas at isang Chinese vessel.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -