Tuesday, May 7, 2024

Isko Moreno nag courtesy call kay Joseph Estrada kahapon

- Advertisement -

Nag-courtesy call si Manila Mayor –elect Isko Moreno kay Outgoing Mayor Joseph Estrada sa opisina nito sa Manila City hall, kahapon.

Ito naman ay upang matiyak ang maayos na transition o pagsasalin sa pamunuan ng siyudad.

Kasabay nito, personal ding iniabot ni Moreno kay Estrada ang liham para sa pormal na kahilingang mailipat sa kanya ang mahahalagang dokumento ng pamahalaang lungsod tulad ng mga kontrata, loan agreements, inventory, audit reports at iba pa.

Ayon kay Moreno, kailangang isantabi ang anumang kulay o partidong politikal na kinaaniban at mapakumbaba alang-alang sa ikabubuti ng mga Manileño.

Nagpasalamat din si Moreno sa mainit na pagtanggap sa kanya ni Estrada.

Ito ang unang beses na muling nagkaharap ang dating magkaalyado na sina Estrada at Moreno simula noong 2016 elections.

]

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img