Monday, May 6, 2024

Sara Duterte walang planong kasuhan ang Rappler

- Advertisement -

Walang plano si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na kasuhan ang online news organization na Rappler dahil sa misquoting sa amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang sa news article ng Rappler noong 2016, ibinalita nito na sinabi ng Pangulong Duterte na nababaliw ang anak nito sa sasakyang ibinigay sa kaniya ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sinasabing isang Nissan Safari at Ford Expedition ang ibinigay umano ni Quiboloy sa pangulo.

Nakasaad din sa report na sinubukan ng pangulo na ibalik ang isa sa dalawang sasakyan subalit pinigilan umano siya ni Mayor Inday dahil gusto nito ang naturang sasakyan.

Itinanggi naman ng presidential daughter ang nasabing report at wala aniya siyang nakitang sasakyan na binigay ni Quiboloy kayat malinaw aniyang journalistic mishap ang nasabing Rappler article.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img