Recovered COVID-19 patients sa bansa pumalo na sa 1,043

0
32

Pumalo sa 1,043 ng mga nakarekober mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ayon sa pinakahuling update mula sa Department of Health (DOH), bunga ito panibagong 20 recoveries na kanilang naitala.

Umakyat naman sa 8,488 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa bunsod ng naitalang 276 new infections.

Samantala, pumalo na sa 568 ang bilang ng mga nasawi dahil sa 10 pasyente na nadagdag sa listahan ng DOH.