Raptors pasok na sa NBA Finals

0
46

Tinapos na ng Toronto Raptors ang best of seven series ng Eastern Conference Finals, kontra Milwaukee Bucks.

Ito ay matapos magwagi ng Raptors kontra Bucks sa iskor na 100-94.

Kumamada si Kawhi Leonard ng Raptors ng mahigit 27 puntos habang nakapagtala rin Kyle Lowry ng 17 puntos.

Samantala, ito naman ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok ang Raptors sa finals ng NBA kung saan nakatakda nitong makaharap ang Golden State Warriors sa Huwebes.

—–