Palasyo ipinagbawal ang official trips ng gov’t officials sa Canada

0
50

Ipinagbawal na ng Malacañang ang anumang official trips ng sinumang opisyal ng gobyerno sa bansang Canada.

Ito, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, matapos mabigo ang Canada na hakutin ang basurang itinambak nito sa bansa, sa itinakdang petsa ng pamahalaan.

Ayon kay Panelo, ito ay batay sa memorandum order na inilabas ni Executive Sec. Salvador Medialdea, kung saan nakasaad na dapat ring putulin ng lahat ng department secretaries ang kanilang pakikipag-ugnayan sa gobyerno ng Canada.

Una rito, ipina-recall rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga opisyal at consul ng Pilipinas sa Canada.

Kasabay nito, muli namang naninindigan si panelo na seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ng alisin ng Canada ang tone-toneladang basurang itinambak nito sa Pilipinas.

Samantala, kinumpirma na rin ni DFA Sec. Teddy Locsin na isinailalim na sa fumigation ang mga container na naglalaman ng basura, kahapon.

—–