Tuesday, May 7, 2024

Rappler CEO Maria Ressa at ilang board member kinasuhan ng paglabag sa anti-dummy law  

- Advertisement -

Kinasuhan na ng paglabag sa anti-dummy law si Rappler CEO Maria Ressa at ilang miyembro ng board ng kumpanya.

Batay sa isinampang kaso sa Pasig RTC pinayagan ni Ressa at anim na iba pa ang banyagang kumpanyang moidyar network fund na manghimasok sa operasyon ng rappler sa pamamagitan nang pag iisyu ng Philippine Depository Receipts sa investment firm nuong 2015.

Nakapaglagak na ng tig P90,000 piyansa ang mga board member na sina Manuel Ayala, Nico Jose Nolledo, Glenda Gloria, James Bitanga, Felicia Atienza at James Velasquez.

Samantala, nasa ibang bansa naman si ressa.

May kaugnayan ang nasabing anti-dummy case sa inilabas na kautusan ng SEC sa pagbawi sa mga papeles ng rappler dahil sa umanoy paglabag sa probisyon sa saligang batas na nagbabawal sa foreign ownership ng mass media matapos una nang igiit na pilipino ang nagma may ari sa Rappler.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img