Bagong runway sa Clark International Airport pinondohan ng P10-B

0
56

Isang bagong runway ang itinatayo sa Clark International Airport na pinondohan ng P10 billion.

Ang konstruksyon ng ikalawang runway ayon kay Jame Alberto Melo, pangulo ng Clark International Airport Corporation ay matatapos bago bumaba sa puwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Una nang ininspeksyon ni Melo kasama sina Finance Secretary Carlos Dominguez, Transportation Secretary Arthur Tugade at BCDA at CEO Vince Dizon ang expansion construction sa nasabing paliparan.

Kapag natapos ang kontruksyon ng nasabing runway sinabi ni Melo na madadagdagan ang bilang ng mga pasaherong mase serbisyuhan sa Clark Airport.