Rapid test kits, PCR magkasabay na gagamitin para sa mga COVID-19 suspects —Roque

0
17

Magkasabay na gagamitin nang rapid test kits at polymerase chain reaction (PCR) machine sa pagsalang sa mga taong posibleng infected ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ipinabatid ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ipag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili pa ng test kits at iba pang laboratory equipment na magagamit para malabanan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa health officials ang PCR based test kits ay gold standard dahil nakaka detect ito ng sars-cov-2, virus na nagdadala ng COVID-19.

Samantalang ang rapid test kits ay makaka detect lamang ng antibodies na pino-produce ng katawan para malabanan ang virus at maaaring maglabas ng false negatives o false positives bagamat mas mabilis itong maglabas ng resulta kumpara sa PCR based kits.