DFA consular offices sa Luzon mananatiling suspendido dahil sa pinalawig na ECQ

0
22

Mananatiling suspendido ang consular offices ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Luzon kabilang ang office of consular affairs sa Aseana Business Park sa Paranaque City.

Dahil na rin ito ayon sa DFA sa pinalawig na enhanced community quarantine (ECQ) bagamat operational naman ang ilang consular office na mayruong skeleton workforces sa Visayas at Mindanao.

Sinabi ng DFA na ang mga aplikante na may confirmed appointment mula Marso 9 hanggang April 30 ay ma a accommodate sa consular office malapit sa kanila o kung saan nakatakda ang appointment simula Mayo 4 hanggang Hulyo 31, 2020 tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 a.m. ng umaga hanggang 5:00 p.m. ng hapon.

Ma a accommodate rin ang mga nangangailangan ng authentication, visa at civil registration services simula sa Mayo 4.