Ranking ng PH sa pagnenegosyo bumagsak

0
56

Bumagsak ang ranking ng Pilipinas sa usapin nang mabilis na proseso sa pagnenegosyo sa bansa bagama’t gumanda ang score ng bansa dahil sa ilang ipinatutupad na reporma.

Ayon ito sa taunang World Bank report, kung saan nasa ika-124th rank ng Pilipinas ngayong taon mula sa 113th place nuong isang taon.

Batay sa report, ang Pilipinas na kinatawan ng Quezon City ay nakakuha ng score na 57. 68 o 1.06 na mas mataas sa nakuha ng bansa nuong nakalipas na taon.

Tumaas naman ang rank ng anim na bansang kapwa miyembro ng Pilipinas sa Southeast Asia.

Tinukoy ng report ang Singapore na nasa ikalawang puwesto Malaysia – ika labing limang pwesto, Thailand – 27th, Brunei – 55th, Vietnam – 69th at Indonesia – 73rd.

Sakop ng nasabing report ang halos 200 na bansa.