Halos 500 Filipino workers kailangan sa Kuwait

0
58

Halos 500 Filipino workers pa ang kailangan ng Flag Carrier ng Kuwait.

Ito ayon kay Sathbi Salah Al-Sheena, talent acquisition manager ng Kuwait Airways ay kasunod na rin nang pagbubukas ng Kuwait Airways Terminal 4.

Sinabi ni Al Sheena na kailangan nila ng highly skilled people, highly committed at hardworking workers.

Darating sa bansa ang recruitment team ng Kuwait Airways para mag interview ng mga aplikante mula Nobyembre 4 hanggang 15 para sa kailangang trabaho tulad ng traffic officer, assistant traffic officer, assistant load control, assistant cargo officer, cargo operator, cargo coordinator at baggage sorter.

Pinayuhan naman ni Assistant Labor Attache Teresa Olgado ng Philippine Overseas Labor Office ang mga aplikante na tiyaking sa lisensyadong ahensya sila makikipag ugnayan.