Poe binigyan diin ang maayos na serbisyo sa mga pasahero

0
68

Tiyaking maayos ang serbisyo sa mga pasahero.

Binigyang diin ito ni Senador Grace Poe, chair ng Senate committee on public service, bago aniya ipatupad ang dagdag singil sa terminal fee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Poe, ang terminal fee na tinagurian ding passenger service charge ay sinisingil para masigurong ligtas at maayos ang serbisyo sa mga bumabyahe.

Inihalimbawa ni Poe ang aksidenteng kinasangkutan ng Xiamen Airlines nuong Agosto na labis na naka perhuwisyo sa mga pasahero at hindi aniya nakapagpakita ng maayos na serbisyo ang mga tauhan ng naia sa pagtugon dito.

Dapat aniyang magsagawa muna ng public consultation bago ipatupad ang pagtaas ng singil sa terminal fee na makakaapekto sa 42 milyong katao.