Radio Philippines Network
Headlines National News

Quiapo church nagpaalala sa guidelines sa Ash Wednesday

Nagpaalala ang simbahan ng Quiapo sa bagong guidelines sa paggunita ng Ash Wednesday, bukas, ika-26 ng Pebrero.

Sa ilalim ng bagong guidelines, hindi na ipapahid sa noo ang abo kundi ibubudbod ng bahagya sa ulo o sa bahagi ng bumbunan.

Ipinabatid rin ng simbahan ng Quiapo na magkakaroon ng misa kada oras mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-12:15 at alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng umaga.

Ang Ash Wednesday ang hudyat ng pagsisimula ng kwaresma na tatagal ng 40-araw.

Nagpaalala ang simbahan na sa panahon ng kwaresma ay inoobserbahan ang pangungumpisal, pagkakawanggawa, pagbabawas ng pagkain, pagdarasal at penitensya. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)

Related posts

Phil. Army nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Dormitorio

Powered by DWIZ

Mga tauhan ng AFP na nagpositibo sa COVID-19 pumalo na sa 44

Powered by DWIZ

Relasyon ng Pinas, US ‘maligamgam’ — Panelo

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More