Jaclyn Jose nagsalita sa secret wedding nina Sarah G, Matteo

Jaclyn Jose nagsalita sa secret wedding nina Sarah G, Matteo

by Powered by DWIZ
33 views

Isa pang aktres na ina na ang nagsalita sa usapin nang lihim na pagpapakasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ayon sa aktres na si Jaclyn Jose, gagawin niya ang lahat para sa kaniyang mga anak lalo pa’t isa siyang single mother at hindi siya kailanman hihingi ng pera sa mga ito.

Hindi aniya niya tatangkain man na ipabalikat sa kaniyang anak ang gastusin o pangangailangan ng buong pamilya at hahayaan niya ang kaniyang mga anak na matutong tumayo sa kanilang mga sariling paa at kung madapa ay matutong bumangon.

Ang pinakamahalaga naman aniya ay nariyan ang mga magulang para gumabay sa kanilang mga anak at maging masaya sa anumang tatahaking landas ng anak lalo na kung para naman sa ikabubuti ng mga ito.

Nilinaw ng aktres na wala siyang intensyong makisawsaw sa usapin nang patuloy na pag-ayaw ni Mommy Divine Geronimo sa relasyon ni Sarah kay Matteo matapos ang eksena sa naganap na secret wedding ng dalawang Viva artists.

0 comment

Related Posts