QC gov’t hinimok ang mga residente, empleyado na magself-report para sa probable, confirmed COVID-19 cases

0
12

Hinihimok ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga residente at empleyado sa lungsod na i-update ang kanilang sarili para sa probable o confirmed cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa inilabas na memorandum ni Mayor Joy Belmonte, dapat na mag-self report ang sinumang positibo sa COVID-19 sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit at Barangay Health Emergency Response Team (BHERT), upang hindi na makahawa pa sa pamilya, mga kaibigan at katrabaho.

Nakapaloob rin dito na dapat ilagay sa self-report ang mga mahahalagang impormasyon gaya ng buong pangalan, birth date, eksaktong address, contact number, trabaho at pangalan ng kumpanya, araw ng pagsisimula ng sintomas at iba pa.

Maaari naman itong ipadala sa pamamagitan ng qcselfreport@gmail.com, www.facebook.com/qcepidemiologydiseasesurveillance, facebook.com/qc.esu.official1, facebook.com/qc.esu.official2, at facebook.com/qc.esu.official3 o tumawag sa hotline numbers ( 8703-2759, 8703-4398; Globe: 0916-122-8628, Smart: 0908-639-8086, Sun: 0931-095-7737), gayundin sa mga respective hotlines ng barangay.

Samantala, tiniyak naman ni Belmonde na bibigyan ang mga ito ng libreng akomodasyon sa mga quarantine facilities na pangangalagaan ng mga bihasang healthcare workers.