Duterte makikipagpulong sa IATF ngayong Lunes

0
7

Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte  sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa Davao City, ngayong araw ng Lunes, ika-10 ng Agosto.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, bagamat makikipagpulong ang pangulo ay hindi pa umano ito magbibigay ng anunsyo hinggil sa susunod na quarantine classification ng bansa.

Paliwanag nito, sa Miyerkules pa kasi nakatakdang magprisinta sa IATF ang technical working group.

Gayunman, posible pa rin aniyang magbigay ng special announcement ang pangulo sa kanyang pagharap sa publiko ngayong araw.