Crime rate bumaba ng 50% kada araw —JTF

0
17

Bumaba ng 50% ang naitatalang krimen kada araw.

Ito ay batay sa isinagawang monitoring ng Joint Task Force COVID Shield sa loob ng 144 na araw simula ng ipatupad ang lockdown bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar, kabilang sa mga nakatulong sa pagbaba ng krimen ang mga control points, curfew at police visibility efforts.

Sa ngayon aniya ay nasa 3,300 na ang control points habang nasa 63,000 naman ang mga pulis na nakakalat sa buong bansa.