29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pulis sa Davao de Oro, pinatay ng riding in tandem

- Advertisement -

Hindi na umabot ang isang pulis matapos binaril ng dalawang lalaking nakamotor, kahapon alas 4:52pm, Setyembre 11, 2022 sa National Highway, Brgy. Bamlag, Monkayo Davao de Oro.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ang biktima na si Police Master Sergeant Rey Binalangbang na naka-assign sa Davao De Oro PPO (Supply Section), residente sa Montevista, Davao de Oro.

Sa imbestigasyon, habang bumabyahe ang biktima galing Montevista patungo sa Monkayo, pagdating nito sa lugar bumaba ang biktima sa kaniyang minamanehong pick-up upang umihi, ngunit bigla na lang may dalawang nakamotor ang dumating at binaril ang biktima ng ilang beses.

Agad itong dinala sa Davao de Oro Provincial Hospital Montevista ngunit dineklara na itong Dead on Arrival.

Patuloy pa din ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa likod ng motibo ng krimen.

(Source: Davao de Oro PPO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -