Pulis na nang-hostage, patay matapos barilin ang sarili

0
54

Agad na binawian ng buhay ang isang pulis makaraang barilin ang sarili sa loob ng isang bahay sa Barangay Mira, Bantay, Ilocos Sur.

Base sa ulat ng pulisya, bago binaril ang sarili ng pinangalanag si PO1 Rolly Dizor, hinostage muna nito ang mga nakatira sa bahay na sapilitan nitong pinasok bitbit ang isang M16 rifle.

Inabot umano ng anim na oras ang ginawang pakikipag-negosasyon ng mga pulis sa kanilang kabarong suspek ngunit bigo silang makumbinsi ito.

Sinubukan pang dalhin sa pagamutan si Dizor ngunit idineklara ding dead on arrival.

Sa rekord ng pulisya, kababalik lang sa serbisyo ni PO1 Dizor matapos na masuspende sa loob ng dalawng (2) buwan dahil sa kasong “indiscriminate firing.”