6 pulis, sugatan sa engkuwentro sa CamSur

0
51

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa ospital ang anim (6) na pulis na nasugatan matapos makaengkuwentro ang isang armadong grupo sa Libmanan, Camarines Sur.

Ayon sa mga otoridad, magsasagawa sana ng isang medical mission sa barangay Bagamelon ang mga pulis na may ranggong PO3 at PO1, kasama ang ilang sundalo at medical staff, nang bigla silang tambangan ng mga di nakilalang suspek na agad tumakas.

Pahayag ng pulisya, naniniwala silang mga rebelde ang nasa likod ng nangyaring pamamaril ngunit wala pa umano silang matibay na ebidensiyang direktang mag-uugnay sa kanila.

Sa ngayon, patuloy na tinutugis ng mga pulis at militar ang mga nakaengkuwentro nilang armadong grupo.