Agusan del Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

0
50

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang Agusan del Sur at mga kalapit nitong lugar ganap na ala-syete singkweta’y otso, kagabi (7:58PM).

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), namataan ang sentro ng lindol 15 kilometers northwest ng bayan ng La Paz, Agusan del Sur.

Naramdaman ang intensity 3 sa Gingoog City sa Misamis Oriental, habang intensity 2 sa bayan ng  Medina.

Tectonic umano ang origin ng lindol kung saan wala namang napaulat na nasaktan o napinsala na ari-arian.

Wala rin umanong inaasahang anumang aftershocks kasunod ng nangyaring pagyanig.