Friday, May 3, 2024

Pulis na namaril sa kaniyang hepe sa Agusan Del Sur patay sa engkuwentro

- Advertisement -

Patay sa engkuwentro ang isang pulis makaraang barilin nito ang kaniyang sariling hepe sa Agusan Del Sur kaninang umaga.

Kinilala ng Police Regional Office 13 ang nasawing pulis na si Pat. John Paul Gerida, 28 anyos at residente ng Surigao del Norte.

Nangyari ang insidente sa bahagi ng Purok 5, Barangay Consuelo sa bayan ng  Bunawan habang nagsasagawa ng hot pursuit operations ang mga awtoridad laban kay Gerida.

Nabatid na si Gerida ang suspek sa pamamaril sa kaniya mismong hepe na si P/Ltc. Rex Lomente ng police mobile force company ng Agusan Del Sur Provincial Police Office.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang 1 magazine na kargado ng mga bala at 2 basyo ng pinaniniwalaang mula sa kalibre 45 pistola.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img