Thursday, May 2, 2024

Pulis na nagbebenta ng iligal na baril nasakote

- Advertisement -

Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) ang isang pulis na iligal umanong nagbebenta ng mga baril sa isang pagawan ng mga armas sa 3rd Avenue, Quezon City malapit sa Kampo Krame.

Kinilala ang suspek na si PO2 Jaid Awal Pingli na taga Lamitan at nakadestino sa Station 5 ng Pasay City Police.

Ayon kay CITF Chief Senior Supt. Romeo Caramat, matagal na nilang minamanmanan si Pingli na konektado aniya sa bantog na Pingli Brothers ng Zamboanga Peninsula na sinasabing sangkot sa kidnap for ransom activity.

Itinanggi naman ng suspek na pulis ang paratang at iginiit na nagpasama lamang sa kanyang isang sibilya na nagbebenta ng baril subalit hindi niya alam na wala itong permit.

Kasamang naaresto ni Pingli ang gunsmith na kinilalang si Jose Dolaire habang nasabat naman sa sinalakay na pagawaan ng armas ang daan-daang mga baril na pinapalitan umano ng ibang piyesa bago ibenta sa ilang mga sibilyan at politiko.

(with report from Jaymark Dagala)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img