32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Duterte dumalaw sa burol ng mga nasawing pulis sa Camarines Sur

- Advertisement -

Dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng tatlong pulis na napatay sa pananambang ng New People’s Army (NPA) sa Camarines Sur noong nakaraang Huwebes, Oktubre 18.

Nakaharap at personal na nagpaabot ng pakikiraamay si Pangulong Duterte sa mga kaanak nina PO1 Ralph Jason Vida, SPO1 Percival Rafael at PO3 Carlito Navarroza.

Kasabay binigyan ng pangulo ng parangal na Order of Lapu Lapu Rank of Kalasag ang tatlong nasawing pulis na tinanggap ng kanilang mga kaanak.

Magugunitang tinambangan ang mga pulis habang nag-i-escort sa convoy ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Nela Charade Puno.

Samantala, personal ding nakiramay si Pangulong Duterte sa mga kaanak nina Private Ruben Bersabe at Cafgu Active Auxiliaries Teodor Adoptante na nasawi naman sa magkahiwalay na engkwentro sa NPA sa Labo, Camarines Norte at Lupi, Camarines Sur.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -