Friday, May 17, 2024

PDEA at PNP hinimok ang mga kandidato na boluntaryong magpa-drug test

- Advertisement -

Hinimok ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang kandidato sa 2019 midterm elections na boluntaryong magpa-drug test.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PDEA Director Derrick Carreon na ito lamang ang kanilang magagawa sa ngayon lalo’t idineklara na noon ng Korte Suprema na unconstitutional pagsasailalim sa drug testing sa mga ito.

Aniya, mas makabubuti kung magkukusa na lamang ang mga kandidato na sumailalim sa drug testing para mapatunayang wala silang itinatago.

Sinabi naman ni PNP Spokesperson Supt. Kimberly Molitas, maituturing na isang hamon lamang ni Director General Oscar Albayalde ang kusang pagsasailalim sa drug testing ng mga kandidato lalo na sa mga nasa narcolist.

Batay sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Real Numbers PH, nasa 582 government employees na sa bansa ang naaresto dahil sa iligal na droga mula Hulyo 2016 hanggang setyembre ngayong taon.

220 sa nasabing bilang ang mga halal na opisyal, 60 ang uniformed personnel habang 272 ang government employees.

(with report from Jaymark Dagala)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -