Pulis kalaboso dahil sa iligal na paggamit ng nakaw na sasakyan

0
13

Arestado ang isang opisyal ng pulisya dahil sa iligal na paggamit ng nakaw na sasakyan sa San Mateo, lalawigan ng Rizal.

Kinilala ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang naarestong pulis na si P/Ltc. Renato Banas Castillo.

Nakatalaga ngayon si Castillo sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa isang buwang suspensyong binubuno nito.

Batay sa imbestigasyon, ginamit ni Castillo ang isang Toyota Innova ng isang Jonnel Sanggalang na Agosto 2014 na napaulat na nawawala.

Pinalitan ng pulis ang plaka ng carnapped na sasakyan at inilagay dito ang isang plaka na nakarehistro naman sa ibang sasakyan.

Dahil dito, mahaharap sa kasong paglabag sa new anti-carnapping law, anti-graft and corrupt practices act gayundin sa code of conduct and ethical standards si Castillo.