DILG may buwelta sa mga kritiko ng pagpapatupad ng motorcycle barrier

0
17

Nakabatay sa siyensiya ang pagpapagamit ng mga motorcycle barrier upang maka-iwas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga magkaka-angkas sa motorsiklo.

Ito ang binigyang diin ni IATF co-chairman at DILG Sec. Eduardo Año makaraang buweltahan ang mga kritikong bumabatikos sa nasabing health protocol.

Ayon kay Año, kadalasan aniyang hinuhubad ng mga rider ang kanilang helmet o hindi kaya ay itinataas ang face shield sa tuwing sila’y maiipit sa trapiko.

Hindi lamang aniya sa Pilipinas ipinatutupad ang paggamit ng motorcycle barrier kung hindi sa iba pang bansa sa Asya tulad ng Indonesia na may mataas ding kaso ng COVID-19.

Parunggit pa ni Año sa mga kritiko, madali lang bumatikos dahil hindi sila ang nananagot sa mga Pilipino sa aspeto ng kalusugan dahil hindi rin naman sila mga eksperto.