Saturday, May 18, 2024

Ride hailing app na Angkas tutulong na maghatid ng mga medical frontliner

- Advertisement -

Aarangkada na ang libreng sakay ng ride hailing app na Angkas para sa mga medical frontliner simula ngayong araw.

Ayon kay Angkas Chief Transport Advocate George Royeca, nasa 1,000 riders ang kanilang ipakakalat para maghatid ng mga medical frontliner sa iba’t-ibang ospital sa Metro Manila.

Kabilang sa mga ito ang Philippine General Hospital (PGH), San Lazaro Hospital, East Avenue Medical Center, Ospital ng Caloocan, National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines at Fabella Hospital.

Kahapon, nagkaloob din bilang donasyon ang Angkas ng 1,000 motorcycle barriers sa Philippine National Police (PNP) para sa may 1,000 police frontliners na gumagamit ng motorsiklo.

Nagpasalamat naman sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año at Joint Task Force COVID-19 shield commander p/Ltg. Guillermo Eleazar sa naging donasyon ng Angkas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -