2 sa 32 Pinoy na inilikas mula China nakaranas ng diarrhea, isinailalim sa pagsusuri

2 sa 32 Pinoy na inilikas mula China nakaranas ng diarrhea, isinailalim sa pagsusuri

by Powered by DWIZ
41 views

Isinasailalim na sa pagsusuri ang dalawa (2) sa 32 Pinoy na inilikas mula Wuhan, China.

Ito ay matapos na magkaroon ang mga ito ng sintomas ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Health secretary Francisco Duque III, naka-quarantine na sa Athletes’ Village sa Tarlac ang dalawang Pinoy dahil sa diarrhea.

Nilinaw ni Duque na bukod sa lagnat, ubo, at sipon ay sintomas rin ng naturang virus ang diarrhea o pagdudumi.

0 comment

Related Posts