34.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

5 lugar na tinukoy sa Memo Order 32 ng Malakaniyang pasok sa mga pamantayan para gawing election hotspot

- Advertisement -

Posibleng mapabilang sa tinatawag na election hotspots ang 5 lugar na tinukoy sa inilabas na memorandum order number 32 ng Malakaniyang.

Ito’y kung saan, inaatasan ang AFP o Armed Forces of the Philippines at PNP o Philippine National Police na magdagdag ng puwersa sa mga lugar ng Samar, Bicol, Negros Occidental at Negros Oriental dahil sa malakas na presensya rito ng CPP-NPA at NDF.

Ayon kay PNP Spokesman CSupt. Benigno Durana, pumasok sa kanilang pamantayan para ideklarang election hotspot ang mga nabanggit na lugar dahil bukod sa presensya ng mga tinatawag na communist terrorist groups, talamak din niya rito ang private armed groups at mataas din ang antas ng krimen sa mga nabanggit na lugar na may kinalaman sa eleksyon.

Gayunman, sinabi ni Durana na bagama’t may hawak na silang inisyal na listahan ng mga posibleng maging election hotspot, hindi pa nila ito maisapubliko hangga’t hindi pa nila ito nailalatag sa COMELEC o Commission on Elections at sa AFP o Armed Forces of the Philippines.

Magugnitang inilatag ng PNP ang kanilang pamantayan para isailalim ang isang lugar sa pagiging election hotspot.

Una, kung malakas ang presensya ng mga lawless elements sa isang lugar tulad ng NPA, PAG at gun for hire groups; ikalawa ay kung mainit ang bakbakan sa pagitan ng mga pulitikong tatakbo sa halalan sa isang lugar at kung nagkalat dito ang mga armas.

Pero paglilinaw ni Durana, hindi lamang halalan ang ugat ng pagpapalabas ng memorandum order ng palasyo dahil mas pinaghahandaan nila sa ngayon ang anibersaryo ng CPP-NPA sa susunod na buwan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -