Thursday, May 2, 2024

Publiko pumili ng sasakyang kayang magpatupad ng 1-meter physical distancing —DOH

- Advertisement -

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na pumili ng mga sasakyang kayang magpatupad ng 1-meter physical distancing.

Kasunod na rin ito nang pagsisimula ngayong araw na ito ng binawasang distansya o nasa 0.75 meter na lamang na distansya sa isa’t isa ng mga sumasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Iginiit ng DOH ang pagsusuot ng face mask, face shield at paghuhugas palagi ng kamay na malaking bagay para makaiwas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Muling binigyang diin ng DOH ang pananatili muna sa bahay ng mga senior citizen, immunocompromised, mga may karamdaman at wala pang 21 taong gulang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img