33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Publiko binalaan vs. mga gumagamit ng pangalan ng CAAP sa paghingi ng donasyon

- Advertisement -

Binalaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang publiko laban sa mga nanghihingi ng donasyon para sa mga naapektuhan ng Bagyong ‘Tisoy’.

Ito ay matapos mapag-alaman ng CAAP na may gumagamit sa pangalan ni Director General Captain Jim Sydiongco para makahingi ng pera.

Nilinaw ng CAAP na walang kinalaman si Sydiongco sa panghihingi ng donasyon, ‘in kind’ man o pera para sa mga nasalanta ng bagyo.

Kasabay nito, nanawagan ang CAAP sa publiko na ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan at sa numerong 02-7944-2021 o di kaya ay mag-email sa corporatecommunications@caap.gov.ph.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -