PSG planong kasuhan ng ‘breach of protocol’ si Cong. Yap

PSG planong kasuhan ng ‘breach of protocol’ si Cong. Yap

by Powered by DWIZ
22 views

Plano ng Presidential Security Group (PSG) na kasuhan ng breach of protocol  si Cong. Eric Yap.

Ayon kay PSG Commander Col. Jesus Durante, dumalo pa sa meeting sa Malacañang si Yap noong March 21 gayung may mga nararamdaman na pala itong sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bahagi anya ng kanilang mahigpit na security measure ang pagpapapirma ng declaration form sa lahat ng papasok ng Palasyo.

Humihingi ng impormasyon ang declaration form sa contact tracing at monitoring, COVID-19 symptoms check at travel history na syang ginawang basehan ng PSG sa pagpapapasok kay Yap.

Sinabi ni Durante na ang problema kay Yap ay hindi nya dineklara na nagkaroon sya ng contact sa mga taong positibo sa COVID-19 at may nararamdaman itong mga sintomas tulad ng ubo.

Tiniyak ni Durante na ang insidente ay magsisilbing leksyon sa PSG para mas higpitan pa ang proseso ng pagpasok ng kahit na sino sa Malacañang Complex.

Lumabas ang resulta ng COVID-19 test ni Yap noong March 23 kung saan lumabas na positibo ito sa COVID-19.

0 comment

Related Posts