Pimentel kakasuhan sa paglabag sa quarantine protocol —lawyers’ group

Pimentel kakasuhan sa paglabag sa quarantine protocol —lawyers’ group

by Powered by DWIZ
20 views

Kakasuhan ng grupo ng mga abogado si Senador Koko Pimentel dahil sa paglabag sa quarantine protocol nang dalhin nito sa Makati Medical Center ang asawang buntis sa panahong nakaquarantine pa sya dahil sa contact sa nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Matatandaan na sa araw ring yun lumabas ang resulta ng COVID-19 test ni Pimentel kung saan lumabas na positibo ito sa COVID-19.

Ayon kay Atty. Rico Quicho, kasama nya ang syam na iba pang abogado sa paghahanda ng kaso laban kay Pimentel.

Maliban sa kaso, posible anyang isulong rin nila ang disbarment o pagpapawalang bisa sa lisensya ni Pimentel bilang isang abogado.

0 comment

Related Posts