Balitang nasa malalang kalagayan si Bongbong Marcos pinabulaanan

Balitang nasa malalang kalagayan si Bongbong Marcos pinabulaanan

by Powered by DWIZ
41 views

Naglabas ng larawan ng kanyang asawa sa social media si Atty. Liza Marcos upang pabulaanan ang balita na malala ang lagay nito sa isang ospital.

Hawak pa ni dating senador Bongbong Marcos ang may petsang pahayagan habang nasa kanyang kama sa kanilang tahanan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Ginang Marcos na na makikita sa larawan na buhay na buhay ang kanyang asawa taliwas sa mga ulat na nagcollapse ang kanyang baga at dinala ng eroplano ni Governor Chavit Singson sa Singapore.

Nagpasalamat rin si Ginang Marcos sa mga anya’y hindi nakakalimot na magpakita ng concern sa kanilang pamilya.

0 comment

Related Posts