Friday, May 17, 2024

PSC tiwalang gaganahan lalo ang mga atelatang Pinoy sa pagpapatuloy ng 30th SEA Games

- Advertisement -

Positibo ang Philippine Sports Commission (PSC) na mapananatili ng team Pilipinas ang maganda nitong standing sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay PSC Chairman William “Butch” Ramirez, humakot na ng maraming medalya ang Pilipinas sa unang tatlong araw ng SEA Games kaya’t tiwala siya na mas gaganahan pa mag-laro ang mga atleta sa susunod na mga araw.

Dagdag pa nito, malaking tulong din ang homecourt advantage lalo na’t walang humpay ang suporta ng publiko sa mga atletang Pinoy.

Sa ngayon, nangunguna pa rin ang Pilipinas sa SEA Games matapos humakot ng kabuuang 77 medalya ngayong araw.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -